Hihintayin Kita
- neenyayehyiyoyu
- Sep 13, 2023
- 1 min read
Kapag dumating yung araw na maramdaman mong miss mo na ko, alam mo kung paano ako kokontakin. Wag kang mag dadalawang isip na puntahan ako. Kumatok ka sa pintuan ko na parang hindi mo ko iniwan. Hihintayin kitang tumabi sakin sa harap ng tv habang naghahanap ng papanoorin. Oorder ako ng pizza at chicken wings at hindi ako manghihingi ng explanation kung bakit mo ako piniling bitawan. Babale walain ko yung mga panahon na pinili mong iwanan at tiisin ako, at tatanungin lang kita kung gusto mo ba ng kumot kasi alam kong ginawin ka. Wag kang magdadalawang isip na umuwi sakin. Nandito lang ako naghihintay sayo. Nandito lang ako naghihintay na kumatok ka sa may pinto.
コメント