3 Years
- neenyayehyiyoyu
- Jun 11, 2023
- 4 min read
🩷
It's been 3 years and 7 months.. Who would have thought na aabot tayo ng ganito katagal? I could feel na hindi na ganun ka exciting yung mga monthsaries natin and I'm really trying to understand na siguro part na yun ng mga changes sa relationship natin, which is sad kasi I'd never expected na mawawala yung excitement. First 2 years it was so good. You made me feel na I was the luckiest woman kasi ikaw yung partner ko. You never fail to make me the happiest woman on earth. You never fail to make me feel how important I was, lalo na sa mga special na ocassions. You wrote letters for me every monthsary, you gave me flowers on special ocassions, minsan nga kahit simpleng pag so sorry mo lang sakin, binibigyan mo ko ng bulaklak. You would surprise me, You would hug and kiss me me all of the time, madalas mo ko lambingin at landiin, you would send me long sweet mesages, you would call me no matter how busy you were. You would lower your pride para lang magka ayos tayo pag nagkaka tampuhan, you would do everything para lang maging better ako. It was just so perfect, and you don't know how happy I was sa mga panahon nya yon. Sobra sobrang saya at kuntento.
Then one day, nagbago lahat... you just stopped giving me attention, you stopped maming efforts, you started yelling at me and feel irritated with me lalo na pag nag dedemand ako. You stopped writing me letters on monthsaries and special ocassions. You stopped giving me flowers, you stopped making me feel loved, you stopped sending me long sweet messages, it seems like you just stopped loving me. You just stopped everything and turned into somebody na kahit kelan ay hindi ko pinangarap na makita mula sayo. It seems like may sarili ka nang mundo at hindi mo ako gusto sa mundo mo, pero eto ako willing na mag adjust sa sarili mong mundo. You are making me feel na okay lang kahit mawala na ako sa buhay mo kasi kaya mo naman na ikaw lang mag isa. Pero siguro nga, yung mga magagandang bagay na yun, may ending din.
You stopped making me feel na worth it ako bigyan ng oras mo. You focused on other things and you're probably expecting na okay lang lahat satin, na okay lang yung relationship natin pero yung totoo, hindi na. Hindi na sya ganun ka exciting. . To be fair, siguro hindi ko na nagagawa o nabibigay yung mga gusto mo and ganun ka din sakin. These past few months, I've been begging some attention from you. Dumadating ako sa point na literal na napapagod na ako. I was in pain whenever iniisip ko na wala na, di na kita maramdaman, di ko na ma feel na mahalaga pa ako, na mahal mo pa ako, at ang sakit sakit isipin yun, kung alam mo lang. Pero kinailangan kong mag kunwari na okay lang ako, na okay lang lahat, kasi kung hindi, may possibility na bigla mo na lang akong iwanan. Palagi kitang iniisip, palagi kong iniisip kung pano ba kita mapapasaya, kung pano ba ako magiging enough sayo, kung paano ba kita makukumbinsi na mahalin mo ulit ako. Pero feeling ko isa akong malaking sagabal sa mga bagay na gusto mo.
Minsan naiisip ko din, siguro kaya di mo ako mabigyan ng time and attention kasi hindi mo ako nakikita sa future mo. Siguro kaya di mo naiintindihan yung nararamdaman ko kasi mas pinipili mong bale walain na lang, kasi siguro di ako yung gusto mong makasama habambuhay. Nalulungkot ako. Matagal na akong nalulungkot sa relationship natin. Nasasaktan na ako sa relationship natin. I WAS GRIEVING, and wala kang idea kung gano kasakit yun sa part ko. Pero palagi akong nagtitiwala na one day, baka bumalik din lahat sa dati, baka pansinin mo ulit ako, baka mahalin mo ulit ako, kaya palagi akong naghihintay. Hindi ko din maiwasang tanungin ying sarili ko, ANO BANG MALI SAKIN? ANONG INAYAWAN MO SAKIN?
Sa mahigit 3 years natin, palagi akong naghihintay hanggang ngayon, pero hindi pa din ako yung isa sa mga priority mo. Mas nag iinvest ka ng time sa bagay na di mo alam kung hanggang kailan nandyan para sayo, samantalang ako andito, willing na mag stay hanggat gusto mo. Alam mo naman na palagi ko naman iniintindi yung situation mo, pero ikaw ba? Kino consider mo ba yung feelings ko? Gaya mo, di din naman ako bumabata, gusto kong maramdaman yung mahalaga din ako. Minsan gusto ko din tanungin sayo kung ako pa din ba yung gusto mo sa future mo, kasi kung hindi, atleast di tayo magsasayang ng panahon pareho diba? Ang hinihingi ko lang sayo ay yung itrato mo ako na isa sa mga priority mo kasi sa buhay ko, ikaw yung priority ko. Umaasa ako na kakayanin pa natin. Na kakayanin ko pang umintindi. Alam ko na kaya mo kong bigyan ng time attention mo, kaya palagi pa din akong umaasa at naghihintay. Minsan pakiramdam ko yung relationship natin parang wala ng love. Parang routine na lang sya. Di ko alam kung ano bang love language mo pero madalas di ko ma feel na mahal mo ako. Siguro mahal mo ako pero minsan di ko lang talaga ma feel. Siguro magka iba lang talaga tayo ng priorities, pero sana konting effort lang sa time kasi deserve ko din naman yun. Kahit konti lang. Ibalik mo ulit yung happiness na pinaparamdam mo sakin nun. I really wanted our relationship na mag work kaya I'm trying palagi na maging mas undertanding pa.. Mahal kita, sana mahalin mo ulit ako gaya ng dati.. 🩷
Comentários