top of page

ANo Mo Ba Ako?

Hindi ko alam kung masyado lang ba akong sensitive o masyadong nag dadrama. Di ko rin alam kung ako ba ang mali, o baka naman hindi na ganun katindi yung nararamdaman natin sa isa’t isa. Aaminin ko, nalulungkot ako, nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon natin ilang buwan na ang lumipas.


Habang tumatagal palala ng palala yung lungkot at pagka dismaya na nararamdaman ko. Masyado lang ba akong nag eexpect ng gaya dati? Yung ako lang, yung tayo lang, yung sobrang sweet ka, laging nagtetext, laging kunakamusta ako. Yung laging nilalambing ako.


Isang araw biglang nagbago na lang lahat. Halos hindi ko na maintindihan kung bakit ganito na yung relasyon natin. May pagkukulang ba ako? May hindi ba ko nagagawa o naibibigay? Bakit ang bilis mo nang magalit sakin? Yung tipong nakakatakot nang magtampo sayo kasi galit yung kapalit nun. Yung tipong wala na akong karapatang magtampo man lang pag nasasaktan o nalulungkot ako kasi instead na lambingin mo ko, mas nagagalit ka pa sakin.


Natututo ka nang maglihim sakin. Wala akong ibang gusto para sayo kundi ang maging maayos ka. Physically, emotionally. Gusto kitang makasama ng matagal hanggat maaari. Pero bakit parang ako yung masama kapag sinasabihan kita? Bakit nagagalit ka kung wala naman akong ibang gusto kundi bumuti yung kalusugan mo? Bakit kelangan mong ilihim yung mga bagay na ginagawa mo dahil lang sa iniisip mong magagalit ako?


Natatakot ako na may mga darating pang pagkakataon na masanay ka na lang na itago sakin lahat samantalang eto ako, iniisip na okay na kahat, na okay lang lahat. Hindi ko na talaga alam kung ano pa bang turing mo sakin. Para akong somebody na andito lang nag i stay kasi nakasanayan mo nang kasama ako. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. At hindi ko na din sigurado kung ano mo ba ako.

 
 
 

Recent Posts

See All
Hihintayin Kita

Kapag dumating yung araw na maramdaman mong miss mo na ko, alam mo kung paano ako kokontakin. Wag kang mag dadalawang isip na puntahan...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Tumblr

©2022 by Unsaid Feelings. Proudly created with Wix.com

bottom of page