Hindi Madali
- neenyayehyiyoyu
- Sep 13, 2023
- 1 min read
Sa totoo lang, hindi naman talaga ganun kadali na mag move on mula sayo. Hindi pa ko tuluyang naka move on pero pinalaya na kita. Gustong gusto kitang kumustahin kung okay ka lang ba. Sobrang miss na miss na kita. Kaya kong magpanggap sa harapan mo na okay na ako, na masaya na ako, na di na ko affected sa nangyari. Pero hind m olam kung gaano ako nasasaktan pa dn kapag mag isa na lang ako at naaalala kita. Pilit kong hinahanap yung mga sagot kung bakit mo ko piniling iwanan, kung bakit nangyari yun satin. Lagi ko iniisip na sana ako na lang ulit, sana ako pa din yung inuuwian mo, sana ako pa din yung mahal mo, sana di ka napagod. Na mimiss n akita yakapin at halikan, na mimiss ko na yung mga tawanan natin na kung maka tawa tayo parang walang bukas. Ang dami ko ng gustong ikwento sayo pero alam ko hindi na din pwedeng mangyari yun. Alam kong masaya ka na din at wala na akong balak na guluhin. Mahal kita.
Comments