Mahal Na Mahal Pa Din Kita
- neenyayehyiyoyu
- Sep 13, 2023
- 1 min read
Mahal na mahal pa din kita. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay minamahal na lang kita sa malayo. Naaalal ko pa yung favorite color mo at yung birthday mo. Yung shampoo na gamit mo at yung gustong gusto kong pabango mo. Pinapanood ko lahat ng mga pictures at videos natin at yung mga shows na dati ay ikaw ang kasama kong nanonood. Naglalagay pa din ako ng unan mo sa tabi ko at gabi gabi ko pa ding sinasabi kung gaano kita kamahal ng sobra sabay iisipin ko na lang na katabi pa din kita. Mahal na mahal kita at patuloy pa din kitang mamahalin. At kahit lumipas pa ang madaming taon, hindi ko gugustuhin na kalimutan ka.
Comments