top of page

Nagbago Ka Na

It’s 1:00 am, nandito ka sa tabi ko, mahimbing na natutulog, samantalang ako, eto hirap na hirap makatulog habang nag iisip ng kung ano ano. Hindi ko ma explaine yung nararamdaman ko. disappointed, nasasaktan, naiiyak. Hindi na nga din ako siguro kung ano ba yung mga bagay na nakapag papa ramdam sakin ng mga ‘to. Hindi ko nga alam kung nalulungkot lang ba ako kasi hinahanap ko yung dating tayo. O nalulungkot ako kasi halos hindi na kita maramdaman netong mga nagdaang buwan. Nalulungkot nga ba ako? O nasasaktan na ko? Lumilipas yung mga buwan na palala ng palala yung lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko lang masabi at maipakita sayo kasi choice ko naman ’to. Hanggat maaari kasi gusto kong ipakita at iparamdam sayo na iniintindi kita. Na lahat ng desisiyon mo at lahat ng gusto mo ay naiintindihan ko. Na masaya ako sa lahat ng ginagawa mo na alam kong nakakapagpa saya sayo. Na mimiss ko na yung pag aalaga mo sakin. Yung excitement mo tuwing day off natin kasi kaaama mo ako maghapon. Yung limited lang yung pag pho phone mo kasi mas gusto mong niyagakap at nilalambing ako. Yung lagi mo ko kini kiss kasi sobrang miss na miss mo ko. Nami miss kong nagkakaron ka ng time para sakin, para satin. Kaso ngayon walang wala akong magawa. wala akong magawa kundi intindihin na mas priority mo na ang work mo. Wala naman akong laban kasi alam kong gusto mo yung ginagawa mo. Tanong ko lang, naisip mo ba na sa halos isang linggo na nagta trabaho ka, naisip mo din bang baka kailangan din kita? Baka kailangan ko din ng atensyon at pagpapahalaga mo? Siguro di mo na naiisip yun sa dami ng iniisip mo sa trabaho. Nakaka lungkot lang na napaka daming nagbago na sa relasyon natin. Pilit kong iniintindi yung ganitong sitwasyon na meron tayo kahit alam kong malabong bumalik ulit sa dati yung relasyon natim. Nasasaktan at nahihirapan ako, sana alam mo yun. Sana isang araw maisip mo din ako, sana isang araw maisip mo ulit na lambingin ako, bigyan ako ng oras kahit isang araw lang. kahit mabilis lang. kahit konting panahon lang. Oo hinahalikan mo ko, niyayakap mo ko, sinasabi mong mahal mo ko, pero hindi na nagiging sapat yun minsan lalo na kung hindi ko naman nararamdaman na nandyan ka para sakin. Nasasaktan ako, nahihirapan ako.. sana balang araw, pag nabasa mo ‘to, maisip mo na ang tagal tagal ko nang naghihintay na mahalin mo ulit ako gaya ng dati. Na maging interesado k ulit sakin gaya ng dati. 💔❤️‍🩹


 
 
 

Recent Posts

See All
Hihintayin Kita

Kapag dumating yung araw na maramdaman mong miss mo na ko, alam mo kung paano ako kokontakin. Wag kang mag dadalawang isip na puntahan...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Tumblr

©2022 by Unsaid Feelings. Proudly created with Wix.com

bottom of page