Our Break Up
- neenyayehyiyoyu
- Aug 12, 2023
- 2 min read
The Break Up
August 11, 2023
Paano ko ba palalayain yung taong sobrang mahal na mahal ko pa? Paano ko kakayaning magpatuloy sa mga susunod na araw na hindi ka na kasama?
Nag usap tayo ngayon. At inasahan ko na ang kahahantungan ng pag uusap natin ay makakasakit sakin. Pero nagbaka sakali pa din ako. Nagbaka sakali ako na baka pwede pa, baka pwede pa nating ayusin to. Baka magbago pa ang isip mo at piliin mong magpatuloy tayo
Kailangan mo ng kalayaan. Dalawang araw bago ng pagkakataon na to, Ang sabi mo mahal mo ako pero hindi ka na masaya at ayaw mong maging unfair sakin kaya mas pipiliin mo na lang na lumayo. Durog na durog yung puso ko sa mga pagkakataon na yon. Pero pinilit ko nang tinanggap ang desisiyon mo. Wala akong magawa kundi ang ibigay ang kalayaan na kailangan mo.
Niyakap kita ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Mahigpit na yakap na halos ayaw na kitang pakawalan dahil hindi ko alam kung mayayakap pa ulit kita ng ganun kahigpit. Niyakap kita ng ilang minuto habang sinasabi ko na "gusto kong maging masaya ka kahit hindi mo na ako kasama. Gusto kong gawin mo yung mga bagay na dati mong ginagawa nung hindi pa tayo, maging masaya ka palagi para naman di masayang yung mga sakit at lungkot na naramdaman ko. Nagpapasalamat pa din ako dahil pumayag ka na maging magkaibigan tayo, at makukuntento na ako sa ganon. Mas pipiliin ko na siguro yung sitwasyon kung saan nakikita kita kahit hindi na tayo gaya ng dati kesa naman tuluyan na kitang hindi makita. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin, pero isa lang ang nasa isip at puso ko sa ngayon, maghihintay pa din ako sa araw na baka pwede na ulit. Hindi man ngayon, pero kung pagbibigyan ulit tayo ng pagkakataon, hindi na ulit kita hahayaang mawala sa buhay ko.
Comments