Worth It Pa Ba?
- neenyayehyiyoyu
- May 7, 2022
- 3 min read
Mas magiging honest ako this time.. walang halong ka corny-han.. kasi sa mga past letter ko parang paulit ulit lang yung mga sinasabi ko.. this time, gusto kong sabihin yung totoong nararamdaman ko.
don’t get me wrong.. mahal kita. walang nagbabago dun.. araw araw pa din kitang minamahal.. — Pero lumilipas kasi yung mga araw na meho nararamdman kong less important na ko sayo. yung may kulang na kulang.. halos hindi na kita maramdman minsan. may times na malambing ka.. may times na cold ka or obligado ka na lang na lambingin ako. or worst minsan pakiramdam ko less attractive na ko kaya di mo na mashado pinapansin minsan— to the point na di ko na alam yung gagawin ko para maramdaman ko ulit yung dati.. yung dati na kahit wala kang gawin ay nararamdaman kong mahal na mahal mo ko, na intersading interesado ka sakin.. na gusto gusto mo ko... na lagi kang na eexcite na kasama mo ko.
hindi na kasi tayo ganon ngayon.. pakiramdam ko kahit magkasama tayo napakalayo mo pa din sakin. Di mo na ko mashado sinusuyo.. wala ng masyadong effort sa panunuyo.. instead mas magtatampo ka pag nagtatampo ako. alam mo ba kung bakit madalas ako magtampo? kasi gusto ko palagi mo ko nilalambing.. yun na lang kasi yung way na alam ko para maramdaman ulit kita.. ying daying ikaw.. kung pano tayo dati..
madalas ko na kasing maramdaman na parang wala na kong pakinabang sa relationship natin.. parang wala na lang ako.. minsan di ko na din alam kung nababawasan na ba yung pagmamahal mo sakin.. kung nag gogrow pa ba yung feelings mo sakin.. kung mahal mo pa ba ako o di na..
minsan kinukumpara ko yung sarili ko sa kanya(sa ex mo) kaya one time tinanong kita kung ano bang ginagawa nya para sayo.. sabi mo inaalagaan ka nya... (kaya ko naman sigurong gawin yun.. ginagawa ko naman siguro) sabi mo pinagluluto ka nya (kaya todo effort naman ako na pinagluluto ka kahit alam ko sa sarili ko na di naman alaga ako magaling magluto) sabi mo malambing sya sayo (di ko alam kung panong paglalambing ba yung dapat kong gawin para ako naman yung makita mo..)
honestly madalas na kong nalulungkot kasi sobrang I feel useless na lalo na pag di mo ko madalas pansinin.. o pag mas nagtatampo ka o nagagalit ka sakin — di ka naman kasi ganun dati.. todo effort ka sa paglalambing nun pag nagtatampo ako.. pero ngayon wala na e.. para nga tuloy wala akong karapatang magtampo mindan kasi alam ko na mas magtatampo ka..






may mga bagay na din na mas pinipili ko na lang i keep kesa sabihin sayo gaya ng gusto ko ako naman pansinin mo.. gusto ko lambingin mo din ako.. pero iniisip ko kasi na baka mas lalo kang mairita sakin kaya hinahayaan ko na lang. Yung mga times na gustong gusto kita i kiss (lalo na pag bago matulog).. pero minsan pakiramdam ko umaayaw ka.. pakiramdam ko hindi mo na gusto o naiirita ka na.. — dati gustong gusto mo naman na kini kiss kita... — kaya minsan tinutilog ko na lang yung sakit at disappointment, yung sama ng loob ko, at yung tampo ko..
pero kahit napaka dami ng nagbago, mahal pa din kita.. sobrang minamahal pa din kita kahit madalas kong maramdaman na parang hindi na ko worth it..
Comments